phonebook site
gusto ko gumawa ng web site. ‘yung parang mga ganito din na gagawa ka ng account. may user name tapos may password. tapos pwede mo i-save lahat ng contacts mo. tapos magiging online phone numbers database mo siya. tapos ‘pag may bagong save ka na number sa phone mo, pwede mong itext sa intarnets
‘pag nawala cellphone mo, hindi damay ang contacts mo.
‘pag bago cellphone mo, hindi ganun kahirap maglipat ng contacts. saksak mo lang cellphone mo sa pc via usb tapos log-in ka sa site, pasok ka sa account mo, piliin mo lang ang pangalan at modelo ng bago mong selepono at pindutin ang bagaaam! na button. boom panis! nalipat na lahat ng contacts mo.
‘pag low bat cellphone mo tapos makikitext ka eh ‘di mo kabisado number ng syota mong bakla. pwede mong access ‘yung site gamit ang wap, edge, gprs, 3g, o hsdpa at pronto, alam mo na agad ang numerong itetext o tatawagan mo.
‘di katulad ng phonebook na nakaipit sa pitaka mo, ‘di ‘to mababasa o mawawala.
‘di katulad ng contacts archive mo sa pc mo, ‘di ‘to macocorrupt.
‘di katulad ng mga numerong nakasulat sa catleya notes mo na nakatago sa ilalim ng damitan mo, ‘di ‘to masusunog, mababaha o ngangatngatin ng daga.
napaka convenient ‘d ba?
-
sumasablay liked this
-
walangkwenta posted this