kung ganito sana ang buhay natin araw-araw eh wala sanang problema.
nakatanga ka lang sa pampang ng dalampasigan.
naniningkit ang mga mata mo dulot ng hinithit mong halaman.
lutang ang utak mo kasabay ng pag-iisip ng mga bagay na kung anu-ano lang.
walang nakakakilala sa’yo at pwede kang maging kahit sino na naisin mong maging.
isang taga malayong lugar na anak mayaman. galing sa prominenteng pamilya. nakatira sa malapalasyong mansion. may elevator at escalator papuntang banyo. isang daan at walumpu’t lima ang katulong. hindi pa kasama ‘yung mga drayber. oo, ‘yung MGA. nag-aaral sa pinakamahal na unibersidad sa kamaynilaan. may limang kotse, tatlong cellphone, ipod, ipad, helipad, alahas at 100 libo ang nilulustay sa bawat araw na nagdadaan.
relaks na relaks lang. patingin tingin sa mga nagpuputian at nagkikinisang hita na daan ng daan mapasakaliwa man o mapasakanan.
kunwaring kukuha ng litrato ng araw na pasikat pa lamang. pero ang totoo ay sinisipat lang ‘yung mga pagitan ng bundok na dumudungaw at nagpupumiglas na makawala sa kinaroroonan.
sindi ng yosi.
hithit.
buga.
inom ng beer.
maya-maya kakain na.
tapos tulog.
at ‘pag gising. susulong ka nanaman sa iniwan mong realidad.
‘yung totoo mong buhay kung saan trabahador ka lang sa isang kumpanya. kumikita lang ng sakto pangkain, pangyosi at pambayad utang. ‘pag minalas malas wala ng pang yosi tapos ‘yung tira sa sweldo para pangkain eh saktong pang twice a day lang. half rice, half gulay pa.
-
oopsen-ey liked this
-
kaththecrapout liked this
-
jeckass liked this
-
sumasablay liked this
-
walangkwenta posted this