oo na late bloomer na ako. ngayon ko lang nakahiligan yung mga may letra letra na ganyan. ano na ngang tawag dyan?
The Death of Gugol Part 1
(A tutorial on handling very very very drunk people.)
May kasabihan po tayo, “aanhin pa ang damo kung suka nang suka ang kabayo.”
Jose Cuervo.
XBox Kinect Dance Central.
Superman Crank.
Deads na me.
Watch out for part 2. It’s scandalouz.HAHAHA! I popost ko ang prequel kung bakit ka nagka-ganito.
Via Subdoleyn ♥
dahil hindi uso sa barkada namin ang mga pasosyal na lakad o kumain sa italianni’s, this is how we parteh!
(mga involved: bentambling, damdamn, kirk, leyn, mariano juancho, pedro)
Via Subdoleyn ♥
phonebook site
gusto ko gumawa ng web site. ‘yung parang mga ganito din na gagawa ka ng account. may user name tapos may password. tapos pwede mo i-save lahat ng contacts mo. tapos magiging online phone numbers database mo siya. tapos ‘pag may bagong save ka na number sa phone mo, pwede mong itext sa intarnets
‘pag nawala cellphone mo, hindi damay ang contacts mo.
‘pag bago cellphone mo, hindi ganun kahirap maglipat ng contacts. saksak mo lang cellphone mo sa pc via usb tapos log-in ka sa site, pasok ka sa account mo, piliin mo lang ang pangalan at modelo ng bago mong selepono at pindutin ang bagaaam! na button. boom panis! nalipat na lahat ng contacts mo.
‘pag low bat cellphone mo tapos makikitext ka eh ‘di mo kabisado number ng syota mong bakla. pwede mong access ‘yung site gamit ang wap, edge, gprs, 3g, o hsdpa at pronto, alam mo na agad ang numerong itetext o tatawagan mo.
‘di katulad ng phonebook na nakaipit sa pitaka mo, ‘di ‘to mababasa o mawawala.
‘di katulad ng contacts archive mo sa pc mo, ‘di ‘to macocorrupt.
‘di katulad ng mga numerong nakasulat sa catleya notes mo na nakatago sa ilalim ng damitan mo, ‘di ‘to masusunog, mababaha o ngangatngatin ng daga.
napaka convenient ‘d ba?
kung ganito sana ang buhay natin araw-araw eh wala sanang problema.
nakatanga ka lang sa pampang ng dalampasigan.
naniningkit ang mga mata mo dulot ng hinithit mong halaman.
lutang ang utak mo kasabay ng pag-iisip ng mga bagay na kung anu-ano lang.
walang nakakakilala sa’yo at pwede kang maging kahit sino na naisin mong maging.
isang taga malayong lugar na anak mayaman. galing sa prominenteng pamilya. nakatira sa malapalasyong mansion. may elevator at escalator papuntang banyo. isang daan at walumpu’t lima ang katulong. hindi pa kasama ‘yung mga drayber. oo, ‘yung MGA. nag-aaral sa pinakamahal na unibersidad sa kamaynilaan. may limang kotse, tatlong cellphone, ipod, ipad, helipad, alahas at 100 libo ang nilulustay sa bawat araw na nagdadaan.
relaks na relaks lang. patingin tingin sa mga nagpuputian at nagkikinisang hita na daan ng daan mapasakaliwa man o mapasakanan.
kunwaring kukuha ng litrato ng araw na pasikat pa lamang. pero ang totoo ay sinisipat lang ‘yung mga pagitan ng bundok na dumudungaw at nagpupumiglas na makawala sa kinaroroonan.
sindi ng yosi.
hithit.
buga.
inom ng beer.
maya-maya kakain na.
tapos tulog.
at ‘pag gising. susulong ka nanaman sa iniwan mong realidad.
‘yung totoo mong buhay kung saan trabahador ka lang sa isang kumpanya. kumikita lang ng sakto pangkain, pangyosi at pambayad utang. ‘pag minalas malas wala ng pang yosi tapos ‘yung tira sa sweldo para pangkain eh saktong pang twice a day lang. half rice, half gulay pa.
04/26/2008
Matapos n’yan ay ‘di na nasundan.
Sinimulang hanggang ngayon ay ‘di pa din nasisilayan ang kabuuan.
Parang pelikulang walang ending.
Isang istoryang walang katapusan.
Dito magtatapos ang lahat.
Sa linggo, muli kong Itutuloy ang naantalang pakikibaka.
Patuloy na dadamahin at lalasapin ang aking sinimulang adhikain.
09/03/2010 - Karayom, magtutuos tayo. Humanda ka!
Ang kinis naman niyan pedro!
muka lang makinis. medyo magaling din umanggulo. haha. ‘pag natapos na ‘yan gusto ko sanang magpasleeve. kaso kulang pa ko sa lakas ng loob. should i go for it? (unsure)
Nasabi ko ba na naisali sa dutdutan ‘yung leg piece ko? Ahmm, kalahati pa lang siya nu’n. hanggang tuhod pa lang. Ayun talo. Pero masaya. Masarap sa pakiramdam.
04/26/2008
Matapos n’yan ay ‘di na nasundan.
Sinimulang hanggang ngayon ay ‘di pa din nasisilayan ang kabuuan.
Parang pelikulang walang ending.
Isang istoryang walang katapusan.
Dito magtatapos ang lahat.
Sa linggo, muli kong Itutuloy ang naantalang pakikibaka.
Patuloy na dadamahin at lalasapin ang aking sinimulang adhikain.
09/03/2010 - Karayom, magtutuos tayo. Humanda ka!


